Buhay Campo Sampaguita
Dear Anak,
Naipadala ko na 50 thousand pesos na tuition fee mo, pinagbili
na namin mga kalabaw natin. Ang mahal pala ng kursong COUNTER
STRIKE. Wala na din pala tayong baboy, naibenta na din para
dun sa sinasabi mo na project nyo na NOKIA N95. Ang mahal
naman ng project nayun. Kasama din ang 7 thousand dun para sa
field trip nyo sa MALL OF ASIA. Anak malayo ba yun? Mag
ingat ka sa pagbibiyahe mo. Isasanla pala namin ang palayan
natin para mabili mo na yung instrumentong I-POD na
kinakailangan mo sa laboratory nyo.
Anak, komportable kaba dyan sa boarding house mo san ba kamu yan
sa VICTORIA COURT? Maganda ba dyan, di ba mainit dyan?
Anak kamusta na pala yung group project nyo na SANMIG LIGHT?
Napailaw nyo na ba? Mataas ba nakuha nyo na grado dun?
Anak sana bago pa maubos ang lahat-lahat ng arian natin ay maka
gradweyt kana. Walong taon ba talaga ang kurso mo sa
SECRETARIAL? Sana pag-gradweyt mo makakuha ka ng trabaho
kaagad kagaya ng manager ng kumpanya para mabawi natin ang mga
ari-arian natin sa sanglaan.
Ay siyanga pala anak, diba sabi mo sa JOLLIBEE/MAK DONALD
ka palagi kumakain? Ok ba naman sayo ang mga ulam dyan? Baka
hindi masarap kawawa ka naman. Eh, yung school bus nyo na
TAXI, sabihin mo sa driver mag ingat siya sa pagdri-drive.
Anak hanggang dito nalang at sa susunod ay ipapadala ko sayo ang
pera na pambili mo ng ALTIS na gagamitin mo sa VACANT
SUBJECT mo.
Ang nagmamahal,
Itang at Inang
P.S.
Anak mag-aral ka ng mabuti...ipinagmamalaki kita dito sa aten...
Si Maria at ang “Balikbayan Box”
Registered nurse si Maria sa States. Kasama nya ang kanayang ina
na nagpagamot doon. Namatay ang ina nito. Dahil sa kamahalan ng
pamasahe pabalik sa Pilipinas, nagtipid si Maria. Pinauwi na
lang nya ang kabaong ng kanyang ina na mag-isa.
Pagdating ng kabaong, napansin ng mga kapamilya nya na dikit ang
mukha sa salamin ng ataul. Nagkomento tuloy ang isang anak, “Ay,
naku! Tingnan mo yan…. Hindi sila marunong mag-ayos ng bangkay
sa Amerika” Upang ayusin ang itsura ng bangkay, binuksan ang
kabaong. Aba! May sulat sa dibdib ng ina. Kinuha nila ito at
binasa.
Ang nilalaman ng liham na mula kay Maria:
“Mahal kong tatay at mga kapatid:
Pasencya na kayo at hindi ko nasamahan ang nanay sa pag-uwi nya
sa Pilipinas dahil napakamahal ng pamasahe. “Ang gastos ko pa
lang sa kanya ay mahigit na $1,000 na. Ayoko nang isipin pa ang
eksaktong halaga. “Anyway, ipinadala ko kasama ni nana yang mga
sumusunod…..
Nasa likod ni nana ang dalawampu’t apat na karnenorte.
Ang adidas na suot ni nanay ay para kay tatay.
Ang limang pares na de goma ay nasa loob ng dalawang asul na
jansport na backpack na inuunan ni nanay. Tig-iisa kayo.
Ang ibat-ibang klase ng tsokolate at candy ay nasa puetan ni
nanay. Para sa mga bata ito. Bahala kayong magparte-parte.
Sana’y hindi matunaw ang mga ito.
Ang pokemon stuffed toy na yapos-yapos ni nanay ay para sa bunso
ni ate. Gift ko sa first birthday ng bata.
Ang itim na Esprit bag ay para kay Nene, ate, nasa loob ng bag
ang pictures ni Inay, Japanese version ng pokemon trading cards
at stickers.
Suot ni nana yang tatlong Ralph Lauren, apat na Gap at dalawang
Old Navy T-shirts. Ang isa ay para kay Kuya at tig-iisa ang mga
pamangkin ko. Maisusuot ninyo ang mga iyan sa fiesta.
Suot din ni inay ang anim na panty hose at tatlong warmer para
sa mga dalaga kong pamangkin. Isuot nyo sa party.
May isang dosenang NBA caps sa may paanan ni nanay. Para sa inyo
itay, kuya, dikong, Tiyo Romy. Bigyan nyo na din ng tig-isa yung
mga pamangkin ko at yong isa ay kay pareng Tuluma.
Ang tigdadalawang pares na Nike wristband at knee caps na
suot-suot din ni nanay ay para sa mga anak mo diko, na
nagbabasketball.
Tagdadalawang ream ng Marlboro green at Winston lights ang nasa
pagitan ng mga hita ni nanay.
Apat na jar ng Skippy Peanut Butter, dalawang dishwashing
liquid, isang Kiwi glass cleaner at tig-anim na Colgate at Aqua
Fresh ang nakasiksik sa kilikili ni nanay. Huwag mag-agawan.
Isang dosenang Wonder bra na gustung-gusto ni Tiya Iska,
suot-suot din ni nanay. Alam kong inaasam-asam nyo ‘yan, tiya.
Ang Rolex na bilin-bilin mo tatay, suot-suot ni nanay, kunin mo
agad, tatay.
Ang hikaw, singsing at kwentas (na may nakakabit pang anim na
nail cutters) na gustung-gusto mo ditse, ay suot-suot din ni
nanay. Kunin mo na din agad ditse.
Isang Ray Ban ladies sunglass na pa birthday k okay Ninang Berta,
hindi ko ba pinasuot kay nanay. Isiniksik ko na lang sa may
banding ulunan ni nanay. Nasa pink na plastic na maliit.
Mga Channel at Champion na medias, suot-suot din ni nanay.
Tig-iisa kayo mga pamangkin ko. “Mga pampers, panty liners,
cotton buds, table napkins at mga scotch brite na may foam ay
natatakpan ng mga putting bath towels… yon bale ang pinangkutson
ko sa kabaong ni nanay. Marami-rami na yon. Parte-parte din
kayo.
Marami pa akong ipinagsisiksik kung san-saang parte gaya ng
café, coffee creamer, isang Vienna sausage na de lata, Barbie
dolls, toothbrush, paper cups, plastic spoon and fork, paper at
styro foam plates, perfume, cologne, ballpens, sationaries,
envelopes, bar soaps, match box toys, used t-shirts, hand
towels, CD. VHS tapes, padlock, tools gaya ng screw driver,
plais, long nose, atbp. Na hindi ko na na-itemize dahil
nagmamadali ako. “Marami pa sana akong ipalalagay kaya lang baka
mag-excess at si nanay pa ang maiwan.
Basta parte-parte kayo, tatay, kuya, ate, dikong, ditse. Para sa
inyo lahat ito. Bahala na kayo kay nanay. Pamimisahan ko na lang
siya rito. Balitaan ninyo na lang ako pagkatapos ng libing.
Paki-double check ang lista kong walang nawala sa mga ipinadala
ko.
Nagmamahal,
Maria
P.S. Pakibihisan ninyo agad si nanay”